top of page

WORLD CEREBRAL PALSY DAY 2021: MILLION OF REASONS

  • lathayag
  • Oct 14, 2021
  • 1 min read

Updated: Oct 27, 2021

Ngayon, Oktubre 6, ginugunita sa buong mundo ang World Cerebral Palsy Day bilang pagyakap at pagkilala sa mga kapatid nating nakararanas ng Cerebral Palsy – kondisyong nakakaapekto sa kilos, balanse, at tamang postura ng isang tao.


Ngayong taon, sa temang “Millions of Reasons”, narito ang limang quick facts sa kondisyong Cerebral Palsy.


1. “Child with physical impairment” at “Spastic Quadriplegia” -- politically correct o angkop na terminolohiya para sa nakararanas ng Cerebral Palsy.


2. 70% na kaso ng Cerebral Palsy ay nangyayari dulot ng kapahamakan sa pagbubuntis pa lamang.


3. Hindi lahat ng Cerebral Palsy ay magkakapareho. Ito ay may iba’t ibang uri ayon sa bahagi ng utak. Mayroong Spastic o naninigas na galaw buhat ng pinsala sa motor cortex; Dyskinetic – ang kawalan ng kakayahan sa kontrol ng katawan buhat ng pinsala sa basal ganglia; Ataxic o kawalan ng tamang balanse at postura buhat ng pinsala sa cerebellum;, at ang Mixed Cerebral Palsy o ang kombinasyon ng dalawa sa mga nabanggit na uri.


4. Sa tamang nutrisyon, bakuna, at regular na pre-natal care at check-up, maaaring maiwasan ang posibilidad ng Cerebral Palsy.


5. Hindi namamana o nakahahawa ang Cerebral Palsy.


Itigil na ang diskriminasyon. Milyon ang rason upang kilalanin ang may Cerebral Palsy bilang may malaking papel na ginagampanan sa ating lipunang ginagalawan.


Manunulat: Germar Erfe



Comments


bottom of page