top of page

Patungkol sa Lathayag

249426181_448535366605836_21723821417565

Misyon

Hango sa kumbinasyon ng Lathala at Layag, panata ng Lathayag bilang publikasyon ang maging tulay sa de-kalibreng paglalathala ng mga napapanahong usapin gamit ang panunumpa sa malayang paglalayag tungo sa responsable, patas, at makakatotohanang impormasyon sa bagong porma ng lipunan. Bilang hamon sa patuloy na banyuhay ng panahon, layunin ng Lathayag ang magbahagi ng makabuluhang balita, maghahayag ng boses ng sambayanan, tahiin upang pagbigkisin ang taumbayan, at maging kalasag ng mamamayan sa paspas na serbisyo publiko kasangga ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.

Bisyon

Sagwan ng katotohanan tungo sa malayang bayan.


 

Lupong Patnugutan ng Lathayag
 

Punong Patnugot

LEMUEL LABANGCO

​

Nagsimula bilang isa sa mga Ad Hoc Committee Leader ng CvSU Multimedia Network, si Lemuel Angelo Labangco ay walang humpay na tagapagahatid-balita ng Lathayag. Bilang Punong Patnugot, si Labangco ay patuloy na sumusuong sa hamon ng nagbabagong porma ng pamamahayag, patuloy na nagsisiwalat ng katotohanan, at nagsisilbing gabay-tanglaw sa kabila ng pagkumot ng disimpormasyon sa online media.

​

​

Lemuel.Labangco@cvsu.edu.ph

​

Ikalawang Punong Patnugot

GERALD CAIN

​

Dating News Anchor ng CvSu Balita. Nagpasimula ng inisyatiba sa pagbubuo ng Lathayag, si Cain ay

nagsisilbi ring korespondent ng naturang organisasyo. Balanseng balita at walang takot na pagbubusisi sa ngalan ng katotohanan – iyan ang hatid ni Cain sa malalimang suri ng mga napapanahong isyu ng bansa.

​

​

            gerald.cain@cvsu.edu.ph

Patnugot ng Balita

FEMALYN JAENA

​

Hinasa ng husay sa pagsusulat ng balita, si Jaena ay nagsilbing tulay ng katotohanan sa ilang produksiyon tulad na lamang ng CvSUeNews. Walang takot na bubusisiin ang mga napapanahong balita, si Jaena ay nananatiling mapanuri pagdating sa online media. Kagawad din si Jaena ng pagpuksa sa pagkumot ng fake news sa social media.

​

​

femalyn.jaena@cvsu.edu.ph

​

Tagapamahalang Patnugot

GERMAR ERFE

​

Heraldo ng malayang pamamahayag. Mamamahayag-estudyante ng The Flare – CvSU Imus. Miyembro ng Pambansa at Rehiyonal (Rehiyon IV-A) Sekretarya ng College Editors Guild of the Philippines. Gamit ang hamaka ng katotohanan, si Erfe ay magsisilbi bilang manunulat si Erfe sa Lathayag gamit ang patas at walang takot na pagbabalita.

​

 

germar.erfe@cvsu.edu.ph

Patnugot ng Malikhaing Sining

JESSICA BROBIO​

​

Hindi matatawarang paninikhay upang bigyang buhay ang Lathalain. Kalasag ang natatanging kaalaman sa makabagong kasangkapan, si Brobio ay nagsilbing tulay upang mabuo ang Lathayag sa online medium. Siya ay isa sa mga nag disenyo, naglapat, at gumuhit sa biwsal na representasyon ng Lathayag.

​

 

jessica.brobio@cvsu.edu.ph

​

​

​

​

Ikalawang Patnugot ng Malikhaing Sining

MA. CRISTINA ANGELA DE LEON

​

Bilang lipos ng kaalaman sa video editing tools, si De Leon ay hindi magkikimi upang maging batis ng

katotohanan gamit ang naturang midyum. Siya ang ikalawang namamahala sa mga pabalat-disenyo ng

Lathayag.

​

​

       macristinaangela.deleon@cvsu.edu.ph

Mga Manunulat at Korespondente

KYLE LOPEZ

GEMLIFEL CAMOLO

​

​

JERALDINE BILLY

​

​

BIEN HERRERA

​

    bienbernadette.herrera@cvsu.edu.ph

PATRICIA CARDINEZ

​

        patricia.cardinez@cvsu.edu.ph

bottom of page