PHARMALLY EXECUTIVE, BINAWI ANG NAUNANG TESTIMONYA
- lathayag
- Oct 14, 2021
- 1 min read
Pharmally Pharmaceutical Corp. Executive Krizle Grace Mago, nakahanda na para makasuhan matapos nitong tuluyan na bawiin ang naunang testimonya sa naganap na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ito’y kaugnay umano sa “swindling” ng kanilang kumpanya sa face shields na ibinenta sa gobyerno. Binawi ni Mago ang kontrobersyal na ‘expose’ nito sa Senate Blue Ribbon Committee na tampered o pinalitan umano ang production date ng mga face shields.
Ang pagbawi sa mga nauna nitong testimonya na hindi totoong niloko nila ang gobyerno. Hindi raw siya inutusan ni Pharmally treasurer Mohit Dargani na palitan ng 2021 ang mga 2020 expired face shields. Gayun din ang katotohanang sinuri nila ang mga face shields at inihiwalay lamang ang mga sira upang matiyak na maayos ang kondisyon bago ang pag deliver.
Sa pangyayaring ito ay nagkahalo-halo ang mga production certificates ngunit hindi raw nangangahulugang expired na ang mga face shields.
Handa si Mago harapin ang mga posibleng kaso isampa sa kanya ng Senado matapos bawiin ang naunang testimonya.
Photo Courtesy: newsinfo.inquirer.net
Manunulat: Jessica Brobio

コメント