top of page

BAGYONG LANNIE, BINAHA ANG 27 NA BARANGAY SA CAPIZ

  • lathayag
  • Oct 14, 2021
  • 1 min read

Ayon kay Jing Pelaez ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, apektado ang 27 na barangay at 4 na munisipalidad sa Capiz matapos ang walang tigil na ulan dulot ng Bagyong Lannie.


Ilan sa mga bayan na apektado ay ang Mambusao, Jamindan, Dumalag at Sigma.

Dahil sa panganib na dala ng bagyo, nasa 17 indibidwal o 7 pamilya ang inilikas sa bayan ng Mambusao para mailipat sa mas ligtas na lugar.


Ang Capiz ay isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal number 1 nitong Lunes.


Babala ng PAGASA nitong Martes ay makakaranas pa rin ng malakas na pag-ulan ang Western Visayas dahil sa epekto ng bagyo.


Photo Courtesy: news.abs-cbn.com

Manunulat: Jeraldine Billy


Comments


bottom of page