top of page

REMULLA, NAGHAIN NG COC PARA TUMAKBO MULI BILANG GOBERNADOR

  • lathayag
  • Oct 14, 2021
  • 1 min read

Unang nag-file ng Certificate of Candidacy (CoC) noong Biyernes si Gov. Remulla, sa Provincial Comelec Office sa Trece Martires City, kasama ang running mate at vice gubernatorial aspirant nito, na si Tagaytay Councilor Athena Tolentino.


Nangako si Remulla na itutuloy ang kanyang legacy program sakaling mahalal ulit sa pagka-Gobernador. Kabilang rin sa pangako niya ang pagpapalakas ng internet connectivity sa buong lalawigan, panatilihin ang katahimikan at kapayapaan, at mapahusay ang programang pang-edukasyon para sa mga kabataan. Ang pagpapatuloy ng rehabilitasyon ng imprastraktura at simulan ang coastal road extension mula Kawit hanggang Tanza upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa Aguinaldo Highway, ay kabilang rin.


Si Remulla ay nagsilbing Gobernardor ng lalawigan simula noong 2010 hanggang 2016 at 2019 hanggang kasalukuyan.


Photo Courtesy: Dennis Abrina

Manunulat: Gemlifel Camolo


Comments


bottom of page