Pagbabalik tanaw ni Kiefer Ravena, matapos ang Split Game sa Japan B. League
- lathayag
- Oct 14, 2021
- 1 min read
Split ang naging resulta matapos ang unang dalawang laban ng koponan ni Kiefer Ravena na Shiga Lakestars at at Thirdy Ravena na Neo Phoenix. Sa naunang game, nagpakitang gilas ang koponan ni Kiefer Ravena na nanalo sa puntos na 93-83 matapos makabwelo sa tambak na 22 points. Samantalang nito lamang linggo, humusay ng ilang porsyento si Thirdy sa kanyang kapatid at nakabawi ang kanyang koponan na Neo Phoenix sa iskor na 101-96. Ang Ravena Brothers ay kasalukuyang naglalaro sa 2021-2022 Japan B.League kasama ang iba pang Pinoy Pride Basketball Athletes ngunit ang magkapatid ay nagiging maingay ngayon dahil sa kauna unahang beses nilang pagtutunggali sa isang professional league Ayon pa nga sa naisagawang conference, nabanggit ni Kiefer Ravena ang naging pagbabalik tanaw niya noong kabataan niya ni Thirdy na kung saan ay nagsasaya lamang sila sa paglalaro ng basketbol sa likod na bakuran, ng walang suot na sapatos. At ngayon na naipapakita na nila ang kanilang talento sa mas mataas na antas ng kompetisyon sa mundo. Malaki ang pasasalamat ni Kiefer sa mga Pilipino lalong lalo na sa kanilang pamilya. Ang naging komento naman ni Thirdy sa interbyu ay ang kagustuhan niyang mapabuti ang performance niya sa team ngayong sophomore year niyia matapos ang naging karanasan niya sa COVID-19 at sa finger injury. Nais niyang mas maging epektibo pa hindi lamang sa scoring kundi pati na rin sa passing. At kasama ang Ravena Brothers, inaasahan rin ang magiging laro ng ilan sa mga Filipino UAAP Superstars na sila Juan Gomez De Liaño, Kobe Paras at Ray Parks sa kanilang mga respective teams.
Reference: https://sports.inquirer.net/
Manunulat: Femalyn A. Jaena

Comments